Magandang araw sainyong lahat.
(Good day to all of you.)
Bago matapos ang Buwan ng Wikang Pambansa, nais kong ibahagi ang ilang mga salawikain na sumasalamin sa mga pilosopiya at nagpapakita ng mga asal na mahalaga para sa mga Pilipino. Masasabi rin na ang mga salawikain ay nagdadagdag ng kulay sa wikang Pambansa sa pagpapahayag ng punto nang hindi gumagamit ng literal na mga salita.
(Before the Month of the National Language ends, I would like to share with you some proverbs that mirror the philosophy and show the values that Filipinos deem important. We can also say that these proverbs add color to the Philippine national language by emphasizing a point without using words literally.)
Narito ang ilang salawikain na nakagrupo base sa iba’t ibang tema.
(Here are some proverbs grouped according to themes.)
Tiwala sa Diyos (Faith in God)
- Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
Pakikibagay sa sitwasyon o pagiging matatag (Adaptability/ resilience)
- Kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
- Ang tumakbo nang matulin, kung matinik ay malalim.
Pagiging masipag, matiyaga at determinado (Hardwork/ perseverance/ determination)
- Kapag may itinanim, may aanihin.
- Kapag may tiyaga, may nilaga.
- Kung ano ang puno ay siyang bunga.
- Daig ng taong maagap ang masipag.
- Walang matigas na tinapay sa mainit na kape.
- Huli man daw at magaling, naihahabol din.
- Ang umaayaw ay hindi nagwawagi; ang nagwawagi ay hindi umaayaw.
Tungkol sa buhay (About life)
- Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa’yo. (Ang isang bersyon nito ay “Gawin mo sa iba ang nais mong gawin nila sa’yo.)
- Ang buhay ay parang gulong, minsan ikaw ay nasa ibabaw, minsan naman ikaw ay nasa ilalim. (Isa pang bersyon nito, sa hindi pormal na salita ay: Ang buhay ay weather-weather lang.)
- Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa paroroonan.
- Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo.
- Ang taong nagigipit, sa patalim ay kumakapit.
Pag-ibig (Love)
- Ang pagsasabi ng matapat ay pagsasama nang maluwat.
- Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.
- O pag-ibig na makapangyarihan, kapag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.
Iba’t ibang kategorya (Miscellaneous categories)
- Magbiro ka na sa lasing, huwag lang sa bagong gising.
- Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago? Mabuti pa ang bahay kubo, kung nakatira ay tao.
- May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
- Bato-bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.
- Ang matapat na kaibigan, tunay na maaasahan.
- Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit pa ang amoy sa malansang isda.
Ang salawikain na “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa’yo” ay ang sinasabing golden rule. May iba’t ibang bersyon nito ang iba’t ibang wika sa maraming bansa.
(The proverb “Do not do unto others what you do not want others to do unto you” is a golden rule. Several countries have their own version of this.)
Marami pang ibang salawikain ngunit ang mga nasa listahan ang madalas gamitin. Napansin ko na ang kategorya kung saan maraming salawikain ay ang pagiging masipag at determinado. Ibig sabihin ay mahalaga sa kulturang Pilipino ang katangiang ito. Mas mainam kung may pag-aaral na ililista ang lahat ng mga salawikaing Pilipino para malaman kung alin sa mga asal ang itinuturing na pinakamahalaga.
(There are many more other proverbs but the ones in the list are some of the most common. I noticed that the category of being hardworking or persevering has numerous examples. It means that this character trait is important among Filipinos. It would be nice if all the proverbs in the Filipino language will be listed to determine which character trait is considered the most important.)
Ano pang salawikain ang gusto ninyong idagdag sa listahan? Ano naman ang nais ninyong bigyan ng halimbawa?
(What proverbs would you like to add to the list? Which ones would you like to give example to?)
(Paalala ng may-akda: Ang larawan ng nipa hut ang napili para sa blog entry na ito sapagkat isa sa paborito kong salawikain ay ang “Aanhin mo ang palasyo kung ang nakatira ay kuwago? Mabuti pa ang bahay kubo, kung nakatira ay tao.”) 🙂
Kung minsan mahirap magbiro sa lasing…. sinubukan ko at naglalabas siya ng tubo.
Nag-eenjoy ako talaga sa mga salawikaing Pinoy. May aklat ako tungkol sa mga iyan na binili ko sa National Book Store sa Pilipinas
LikeLiked by 1 person
Hahaha! Mabuti na lang hindi kayo nasaktan. 😀
LikeLiked by 1 person
Ano ang pinakamadalas mo marinig na salawikain? Ano naman ang paborito mo?
LikeLiked by 1 person
“magsama-sama at malakas, mag-watak watak at babagsak”…. ito ang paboritong salawikain ng byenang ko (na gustong tumira sa amin…)
LikeLiked by 1 person
Haha. Kaya pala ganyan kasi gustong tumira sainyo. Okay naman na magkakasama ang magkakamag-anak basta may paggalang at respeto sa bawat isa. 🙂
LikeLiked by 1 person
Kung nagsasama-sama sobra maraming tao sa bahay babagsak ang sahig…
LikeLike
Ang magmahal sa Bayan at sa sariling Wika ay may kasing bango ng bulaklak na Sampaguita at may gintong Pag ibig na walang hihigit pa.
LikeLiked by 1 person
Salamat po, Sir Tony. Totoong mahalagang mahalin natin ang ating sariling wika. 🙂
LikeLike