Takatak ng kalesa,
Tawag ng “Sakay na po sila!”
Sari-saring paninda,
T-syert, bag, ref magnet, empanada, sorbetes, atbp;
Napipilas na ang pintura, ngunit may angkin pa ring ganda;
Masayang kwentuhan at kodakan,
Ng magkakapamilya at magkakaibigan.
Halina sa Calle Crisologo,
Pumarito at ito ay pasyalan. ![]()



(Ika-3 ng Disyembre 2023 – Bumisita ako dito sa kilalang kalye na ito. Bahagi ito ng Ilocos tour na sinalihan ko. Buhay na buhay ang daan. Masaya ang vibe sa paligid. Maraming tao. ‘Di ko lang nagustuhan ang mga nangungulit na kumuha ng litrato ko lalo na kapag ninanamnam ko ang paligid. ‘Di ko namalayan na isang oras pala ang inilagi ko dito sa paglakad lang papuntang dulo at pabalik.)