Saan ka ba papunta?
Ano ang mahalaga?
Ihakbang ang mga paa,
Isa, dalawa…
Basta magpatuloy ka,
Dala ang aral at sayá ng nakaraan,
Buhay at pagkakataon ng kasalukuyan,
At pag-asa at pananalig sa kinabukasan.


(Ika-2 ng Disyembre 2023 sa Kapurpurawan Rock Formation sa Burgos, Ilocos Norte. Bahagi ito ng tour na sinalihan ko. Maganda ang paligid pero medyo malungkot. Hindi masyadong matao. Mahangin sa lugar dahil sa gilid ito ng dagat. Gusto ko pa sana lakarin hanggang sa pinakadulo pero 30 minuto lang ang inilaan para dito, at nagsibalikan na ang ibang kasama sa tour, kaya bumalik na rin ako.)