Magpatuloy Ka Lamang

Makulimlim ang langit ‘Di tumitigil ang buhos ng ulan Pahinto-hinto ang mga sasakyan Umuusad ang orasan. Malamig na ang kapeng naiwan mo sa mesa Buti’t naubos naman ang pandesal na may mantikilya Walang oras magkwento sa hapag-kainan Lahat nagmamadali; Bakit? para ba ‘di maiwanan? Napapagod ka na ba? Nais mong saglit magpahinga? Maaari naman–tumigil saglit,…