Wika

Maging responsable at mapagmatyag po sana tayo,

Gamitin ang wika nang maayos sa ating kapwa tao.

Maging bahagi sa paghilom ng mundo,

Sa pagtuwid ng hindi tama, sa pagtuklas at pagpabatid kung ano ang totoo.

The Workers in our Midst/ Ang Mga Manggagawa sa ating Paligid

Isang inhinyerong sibil ang yumaong tatay ko. Matagal syang nagtrabaho sa Saudi, pero nagkaroon rin sya ng proyekto sa Ho Chi Minh sa Vietnam. Ang ilang proyekto naman nya ay dito sa Maynila. Naalala ko nga, nakapunta pa ako dati sa isang construction site dyan sa may Vito Cruz noong itinatayo pa lang ang pundasyon…