Limang minuto makalipas ang ika-sampu ng gabi, naglalakad ako nang matulin sa EDSA, galing Shaw papuntang Ortigas. Paano kasi, wala na palang byahe ang MRT paSouth; North na lang daw sabi ng guard. Hinintay ko munang makabili ng ticket ang kasabay ko paNorth, sinigurado sa guard ang impormasyon, at nagpasyang lakarin papunta sa EDSA Carousel…