Buhay Dorm (at isang boarding house): Mga Alaala ng UPD

Ngayon ay Biyernes ng gabi. At last, makakapagpahinga na rin matapos ang buong linggo ng pagpasok sa trabaho, lalo na’t may mga isyung nangailangan ng aksyon at atensyon sa panahon na nasa transition period ang opisina ko sa DFA.

Dapat ay maaga akong matutulog dahil reward ko sa sarili ang pagtulog at pagpahinga. Ngunit, heto, ilang minuto na lang, hatinggabi na. Pero ‘di pa dumadating ang antok, at sa halip ay buhay na buhay pa ang isip ko. Feeling ko, makakapagsulat ako ng nobela kung tuloy-tuloy na ‘to hanggang bukas. πŸ˜‰

Napagpasyahan ko na isa na lang muna ang isusulat ko ngayong gabi–ang buhay dormitoryo sa UP. Dahil ito sa muling pakikipag-usap ko a few days ago sa isang dorm mate at kaibigan ko matapos ang mahabang panahon, at pati na rin sa Zoom meeting noong nakaraang weekend sa mga kasama ko dati sa boarding house sa loob ng UP campus.

Paano nga ba ang buhay dormitoryo? Masaya ba ito? May mga problema ba sa pagstay sa dorm?

Sa palagay ko, overall, masaya ito. Maganda rin itong training para maging independent ang isang estudyante at makisalamuha sa maraming tao na may iba’t ibang ugali, sa iisang bubong. Magandang opportunity rin ito para maka-meet ang maraming kaibigan, sumama sa iba’t ibang activities, at makipagpalitan ng mga ideya. Siyempre, kapag nasa dorm, tipid sa pamasahe at hindi rin mauubos ang oras kaka-commute papunta sa campus at pauwi ng bahay. Ngunit, may mga ilang disadvantages rin gaya ng kakulangan privacy, o pagkakaroon ng roommate na ‘di mo kasundo ang ugali, o kaya naman ay wala masyadong freedom of movement at opportunity na mapractice at maimprove ang cooking skills mo.

Tatlo ang dorm na tinirhan ko sa UP: Kalayaan noong 1997 (1st year), Sampaguita (3rd at 4th year) at Ipil (graduate student).

A dorm room in Kalayaan (Photo credit: gmanetwork.com)

Mahirap makapasok sa Kalayaan, ang dorm para sa freshmen students. Sabi nila, ito raw ang dorm kung saan pinaka-inaalagaan ang mga estudyante at binabantayan talaga. Eh syempre, mga first year students lang yan at karamihan ay galing sa iba’t-ibang probinsya at maraming nalayo sa pamilya sa unang pagkakataon. πŸ™‚ Dahil sa dami ng estudyante na nag-aapply, mahigpit ang proseso sa pagtanggap sa pagtira sa dorm. Kailangang kumpleto ang dokumento. Kailangan ring mapatunayan mo na wala ka talagang malapit na kamag-anak na matitirhan. Buti na lang, galing ako sa Albay, o baka nakakaawa ako noong interview (haha!) kaya ako natanggap.

Kalayaan Residence Hall (Photo credit: eraserheads.fandom.com)

Andaming nangyari at memories sa Kalayaan. Ishare ko ang ilan. Part ng dorm services noon ang pagkain–breakfast, lunch at dinner. Usually, espesyal kaysa karaniwan kapag Sunday lunch kasi masarap ang ulam at may dessert. May curfew na ipinapatupad, kasi nga, mga beybi pa kaming nakatira. Kapag nanonood ako noon ng pelikula sa UP Film Center, madalas, tumatakbo na ako pauwi para maabutan ang curfew. Maraming activities–may welcome dinner, sportsfest, wing/floor decoration, atbp. Halo-halo ang mga estudyante– may cute, mabait, nerd, rock, masungit, weird. Ilan din ang naging crush ko pero slight lang ;). Si J (ang amo ng mukha; kahawig ni Aljon Jimenez), I (magaling sa basketball, matalino kaso medyo mayabang), si IP (gwapo at misteryoso; kaso may gusto syang ibang dormer na may long, wavy hair at napakaganda ng mukha), at si M (inglisero, kakaiba ang fashion sense, mahilig mag-iba iba ng kulay ng buhok). May mabait din kaming resident assistant, Kuya Ivan yata tawag namin sa kanya.

Across the Kalayaan Dorm, may bilihan ng sobrang sarap na street food na isaw at fishballs at barbecue. Sa gilid naman, may UP Cooperative at Shopping Center. It’s no wonder, naging chubby ako noong first year college, kaka-munch ng snacks kapag nagrereview ng lessons sa gabi. Malapit lang din ang dorm sa UP Chapel at UP Infirmary kaya madaling pumunta sa simbahan. Madalang lang ako sa clinic, parang dalawang beses lang sa buong taon.

Marami ako noon na 7AM na klase. Kahit mahirap minsan bumangon, gustong-gusto ko naman maglakad mula dorm papuntang Palma Hall na bagong ligo kasi presko ang pakiramdam, at nadadaanan ko ang UP Lagoon kung saan may mga nakikita akong mga halaman, mga puno, mga kulay-rosas na bulaklak na lotus at mga pato paminsan.

UP Lagoon (Photo credit: upd.edu.ph)

Napakabait ng room mate ko sa 1st sem, si Mei. Taga-Pampanga sya at umuuwi kada weekend. Palagi nya akong binibigyan ng Cream-O biscuits. ^_^ Sa dorm, may mga nag-spread na tsismis kahit di ka mahilig makipagtsismisan. Halimbawa, si ganito daw ang ganda sana pero may putok (dahil dito, yung ibang girls sa wing namin, nagsuggest na salubungin namin at amuyin para malaman kung totoo (grabe! how childish! πŸ˜€ ), si ganito parang tomboy pero masyadong magPDA sa harap ng dorm, at kung anu-ano pa. Hay naku talaga. ^_^ Ang totoo, alam ko pa complete name ng latter, pero hindi ko na lang sasabihin.

Noong 2nd year, sa boarding house naman sa Pook Hernandez ako tumira kasama ang Ate ko at apat na kaibigang babae, na batch mates nya, kaya ako noon ang bunso sa bahay. Sa loob lang din ito ng campus at pag-aari ng Dorm Manager ng Kalayaan that time, bale extension ng bahay nila, pero sa likod ang gate. Marami rin akong alala dito. Dahil walang curfew, mas flexible ang oras namin. Dahil sa walang maistorbong other rooms, nagkaroon kami ng time for jamming/playing the guitar. Nagluluto din kami ng meals o madalas ay bumibili sa carinderia sa kabilang street lang. Maraming pagpipilian, malinis ang pwesto at masarap ang luto. Sa sobrang dalas namin bumili, kilala na kami ng mga tindera at may-ari. Si Rose yung isa sa mga tindera, maganda maputi, may maiksing straight na buhok, mabait, pero tipid ngumiti. Naalala ko ang time na lahat kami ay kinapos sa allowance kaya bumili lang kami ng kanin at humingi sa sabaw sa karinderia. Pero madalang lang naman yun. πŸ˜› Pero kahit ganoon ang sitwasyon, dahil all girls kami, may mga tinatawag kaming essentials, kahit kapos sa allowance minsan. Syempre, panglinis sa katawan at moisturizer/sunscreen. ^_^

Across the street, naroon ang Krus na Ligas. Mayroon dun na maliit na bakery na gusto ko ang mga tinapay lalo na yung Spanish bread na overflowing ang filling na medyo tostado. May Angel’s Burger din dun dati na midnight (or lagpas midnight yata) magsara kaya minsan, bumibili kami ng burger for snacks. But we make sure na sabay lumabas para ligtas. Pagweekend naman, naglalaro kami ng volleyball sa may lagoon at naglalakad pauwi. Sumali rin kami sa UP Parish choir dahil sa may mga nakilala kaming residents sa area na miyembro ng choir. Kumakanta kami sa Sunday mass sa UP Chapel at kapag may mga espesyal na religious occasions.

After a year, sa Sampaguita Residence Hall naman ako tumira nang dalawang taon. ‘Di ito kasingganda ng Kalayaan. Mas luma at mas maraming occupants sa room, tatlo, di kagaya sa Kalayaan na dalawa lang. Walang food service at wala ring lutuan sa rooms kaya bahala ka magstock sa room o maghanap ng pagkain, although may common lutuan naman sa pantry malapit sa lobby kung saan pwde magluto ng itlog, noodles at iba pang madaling lutuin. πŸ˜› Naging suki ako at ang maraming dormers ng Aristocart, yung naglilibot na kariton sa UP campus na may mga nakabalot na kanin, ulam, at gulay. Higit na mura kaysa sa SC, CASAA, Beach House at mga fastfood sa Philcoa o Katipunan pero syempre, minsan, pumupunta rin kami ng Ate ko o mga kaibigan ko sa mga ‘yan kapag may mini-clebration at kapag nakapasa na ng mga requirements at tapos na exam o kung feel lang maiba ang atmosphere habang kumakain. πŸ˜‰ Isa sa mga paborito namin noon ni Olive, batchmate ko at orgmate rin sa UP Ibalon, ang kanin at laing at pinapartneran namin ng canned spicy sardines para masarap at kumpleto ang meal.

Marami ring activities–may mga thematic talks sa lobby na organized ng mga committees sa dorm (with students as the members). Sa isang event, guest namin si late Senator Miriam Defensor Santiago. Naalala ko, ako ang na-assign mag-lead ng Lupang Hinirang noon kaya mas nakita ko sya nang malapitan. Sa ngayon (sobrang tagal na), di ko na talaga maaalala kung anong event at kung ano speech nya pero naalala ko na nakasuot sya ng pulang bestida at may foundation ang mukha. ^_^ Sa isang event din, na inattendan ng Dorm Manager, di ko makalimutan ‘yun dahil sa upuan. May project kasi noon ang Acad Committee. Bumili kami ng ilang (8-10) plastic chairs sa isang shop sa Farmers Market sa Cubao para gamitin pagmay events ang dorm. Aba, habang ongoing yung event, nakita ko na dahan-dahang nagspread sa four (4) different directions ang mga paa ng plastic chair. Buti nasa likod ako ng Dorm Manager at nasabihan ko agad sya at tinulungan namin sya ng isa pang dormmate para tumayo at di tuluyang matumba at di tuluyang masira ang upuan. Hay grabe.

Kamia Residence Hall (Photo credit: up.edu.ph)

Sa kabilang side ng Sampaguita ay isang dorm din, ang Kamia. ‘Di ko maexplain kung bakit pero parang may silent rivalry between those from Sampaguita and from Kamia or baka nadala rin lang ako sa kwento.

Sa Sampaguita, may common toilet with shower rooms sa bawat floor. Isang beses, nagbreak ako saglit sa pag-aaral para pumunta sa restroom. 11PM na yun. Pagbungad ko, sobrang kinabahan ako na halos di na ako tumuloy sa pag-ihi. May nagdikit ba naman ng poster na mukha lang ni Darth Maul ng Star Wars. Di ko pa sya kilala nun so natakot talaga ako. (Pero pagkatapos, tinawanan ko na lang sarili ko nung alam ko na movie character lang sya.) But yung iba, may nasense na “something” sa dorm. In fact, yung kakilala ko na tumira sa Kamia briefly, I learned later on na kaya umalis ay dahil may nakitang babaeng nakagown sa restroom (mala Victorian era) nung minsang pumunta sya nang gabi para umihi. Mayroon din dati na library sa basement ng Sampaguita pero nakakatakot sya puntahan, maliban pa sa kulob ang amoy. Dahil Acad Committee Head ako noon, part ng task ko ang tingnan ang available materials sa dorm. Mga ilang beses din ako bumaba doon. Buti na lang talaga, walang nagpakita na multo, kahit pakiramdam ko ay may susulpot out of nowhere. πŸ˜€

Memorable din ang Sampaguita dahil aside from marami akong nakilala at naging kaibigan sa two years nag pagtira ko doon, nakilala ko sina Ate Flor at Ate Weng na cleaners sa dorm na halos naging regular na signatory ng student loan. Dati, kuha ka lang ng 1-page form sa Vinzons Hall for the loan, write your details, dikitan ng litrato at basta mapirmahan ng any UP Employee, tanggap na agad. (Not sure if the process is the same now.) That setup allowed students to just pay a small portion of their tuition fee (maybe 2k) and pay the rest until the end of the term. Nakatulong ito para makapag-aral kahit kapos sa pambayad ng tuition fee. Malapit lang ang Sampaguita sa Palma Hall, madali makasakay sa jeep, at malapit sa Sunken Garden, kung saan pwede magrelax sa damuhan o manood ng mga naglalaro o nagpapractice na players.

Sa Ipil naman, ibang crowd na. Mas seryoso kasi syempre graduate o post graduate students na at maraming working students. Iba na ang mga usapan, tungkol sa trabaho, buhay, pamilya, relationships. Syempre yung mga difficulties sa courses, sharing ideas sa research, atbp.

As usual, may common TV viewing area sa lobby, may area for receiving visitors, etc. Walang curfew kasi daw, matatanda na. ^_^ May mga interesting observable things sa lobby. (Siguro makakarelate dito yung mga kasabay ko na nagstay sa Ipil.) May isang may edad nang prof na madalas bumisita sa isang estudyante na obvious na walang kahit gusto sa kanya; Minsan oras din maghintay yung prof pero kakausapin lang sya ng binibisita nyang estudyante ng isang minuto, nakasimangot pa. Kawawa naman yung prof pero nakakainis na rin paminsan eh. Parang fixture na sya sa dorm lobby.

May common pantry din per wing. Minsan nagbonding doon ang dormers pagnagkasabay magluto or kumuha ng food sa fridge. Ksama ako dun sa group na naglilinis ng fridge about once or twice a month kasi minsan may mga napabayaan na expired na pagkain, or nakalimutan ng dormer, etc. May cases din ng nawawalang food. Malalaman mo na lang kasi may post it or bond paper with big (angry) handwriting such as “Sino kumuha ng butter ko?” or “Nahiya ka pa. Sana kinain mo na lahat pati lalagyan.” Hahaha!

Sa Ipil, natutunan ko ang easy (yet unhealthy) way to cook pancit canton. Dahil sa sobrang dami ng gagawin (plus work pa) at walang time magluto, natutunan ko magbabad ng pancit canton sa hot water for a few minutes, basta iseal ang lalayan. Tapos idrain at lagyan ng seasonings. Voila! Tastes like the real thing! Pag exam time, maypalpable na feeling sa dorm. Tahimik pero karamihan sa dormers gising. Tapos may magititext na, or kakatok “Gusto nyo sumabay magpadeliver sa Wendy’s/Mc Do/ etc? Syempre, sumasabay ako. Masarap kaya kumain ng snacks at 3AM habang nagbreak sa pagreview. πŸ˜€

Sa Ipil, busy palagi ang mga estudyante. Syempre kasi ‘di madali magtake ng Master’s Degree o Doctorate Degree sa UP. May mga dormers na may pamilya na. At karamihan, kagaya ko noon, ay nagtatrabaho na. Ganunpaman, may mga mamimeet ka rin na dormers na magiging kasama mo sa lakwatsa, o pasyal sa Sunken Garden at iba pa. Pero konti lang talaga sila na maglalast ang bond ninyo through the years dahil sa magkakaroon na ng kanya-kanyang buhay at magiging abala sa trabaho at pamilya.

Portion lang ito ng maraming kwento at alaala ko sa dorms. Sa palagay ko, mas maraming college adventure sa mga nagdo-dorm kaysa sa umuuwi ng bahay after ng classes. Also, feel na feel ang pagiging estudyante. Pakiramdam mo rin, di na nag-iisa kapag exam time at pasahan ng mga research papers at projects kasi nakikita mo mga kasama mo sa dorm, marami rin glassy-eyed at racoon look na nakakasalubong mo sa hallway at lobby. πŸ˜€ At yung pakiramdam na, kahit ang dami mong kailangang isulat, imemorize, at pag-aralan, meron kang mga kasangga. ‘Di pa kasama dito yung pagpunta sa isawan, fishballan, barbecuehan at bananaquehan para sa short break at para magsnacks na kasama ang ilang dormmates at kaibigan.

——-

Ang physical at interpersonal na interaction na ito ang nawala sa mga online classes. Ngayon, pakiramdam ko, at dahil na rin sa obserbasyon ko sa kapatid kong titser na nasa bahay nagtuturo at anak ko nasa unang taon sa UPD din, mas kailangan maghugot ng inspirasyon at mas kailangang magkaroon ng motibasyon para makinig sa lecture at gumawa ng mga assignments at projects. Nabalitaan ko rin na sarado ang ilang dorms sa campus para sa mga estudyante dahil ginawa itong mga quarantine facilities.

Molave Residence Hall (Photo credit: upd.edu.ph)

Sa panahon ko sa UPD, Kalayaan, Yakal, Molave, Sampaguita, Kamia, Narra, Acacia at Ilang-Ilang Dorms pa lang ang nasa campus. Pero kumusta na kaya ang lagay ng dorms sa UP ngayon? Kung ilang taon na ang nakalipas, mayroon nang mga problema sa gamit, sa plumbing, sa kalinisan, paano pa kaya ngayon? May nabasa ako na mayroon palang Balik UP Dorm Project ang UP. Grabe! Ngayon ko lang ‘to nalaman. Sana maraming sumporta dito para magkaroon ng maayos na tirahan ang mga Iskolar ng Bayan ngayon at sa mga susunod pang taon.

Sana rin matapos na itong pandemic para makabalik na and face-to-face classes at maka-welcome ulit sa mga 1st year na Iskolar ng Bayan ang Kalayaan Residence Hall at manumbalik na ang lively atmosphere sa mga dormitoryo. Iba pa rin ang pakiramdam kapag nasa campus ka mismo imbes na na nasa harap ng computer para sa lessons magdamag. Sa palagay ko, at hindi lang ito dahil UPian ako, isa sa pinakamagandang lugar sa buong Quezon City ang UP Diliman campus (mapuno, mapresko, malawak, maraming interesting na mga lugar) kaya sana ay makapunta dito ang mga current UP students, pati na rin ang mga UPians na sobrang namimiss na ang campus, kagaya ko. πŸ™‚

Ilan lang ang pictures ko sa dorm, parang noong 18th birthday ko lang yata sa room at sa boarding house. Kaya wala akong mailagay na sariling pictures dito. Hindi pa kasi uso ang mga phones noon para magtake ng digital pictures. Pero, when I checked ngayon, aba! Marami na ang mga nagsulat at gumawa ng vlog, halimbawa ang vlog na UPD Series #7: UP Diliman housing options – which one is the best for you? | at UP Dorm room tours gaya nito kaya mas makikita ninyo ang situation.

Sige, salamat sa mga nagbasa at sana naaliw kayo at may nakuha ring impormasyon sa shinare ko. πŸ™‚

5 Comments Add yours

  1. Nqpakahusay ng inyong kuwento ng mga ala ala at karanasan ng isang Iska at mga Iskolar ng Bayan sa mga UP Dorm sa Diliman. Grabe at nakakamulat https://emifelimer.com/2021/10/15/buhay-dorm-at-isang-boarding-house-mga-alaala-ng-upd/balikan ninyo ang mga nakaraan.
    Parang sariwang sariwa pa sa inyong buhay bilang mag aaral na nag sisikap maka pag adjust sa masalimuot na buhay at tungkulin bilang estudyante ng Premier University ng Pilipinas.
    Kahit hindi ako undergrad ng UP, ramdam ko ang mga salik ng buhay, pinupuntahan, iniikotan, mini miriendahan at sinusunugan ng kilay sa pag aaral.
    Kung taga CSSP siguro, panay banggit ang Palma at karatig pook. Pero, banat talaga ang pag aaral sa UP kahit siguro sa ibang kampus man, masikhay at maunlad na pagtatapos. Ang galing nyo Ma’m Emi, Iskolar ng Bayan.

    Liked by 1 person

    1. emi_f says:

      Maraming salamat, Sir Tony. Napakaraming alaala talaga sa UP. Di lang kaalaman ang matututunan dito, pati na ang mga aral sa buhay.

      Like

    2. emi_f says:

      Maraming salamat po, Sir Tony. Totoong sa bawat yugto ng ating buhay, may mga magagandang pangyayari at may mga pagsubok. Kailangang harapin ang mga ito, matutunan ang aral, habang buong pusong niyayakap ang mga karanasan sa buhay.

      Like

  2. naku nadaanan ko lang ito. di man ako taga-UP, dito ako sa may bandang EspaΓ±a (hehe), pero nagdorm din ako for almost 8 years kaya madami din akong dorm experience at nabuhayan ang mga alaala ko sa post mo. nainspire din akong magshare ng akin. kaso iidlip na muna ako. πŸ™‚

    Like

    1. Emi_F says:

      Salamat sa pagbahagi ng comment mo. Totoong kakaibang experience din ang makatira sa dorm ng ilang taon. Aabangan ko yang post mo. πŸ™‚

      Like

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s