Paggunita sa Ika-37 Anibersaryo ng EDSA People Power Revolution

Bilang paggunita sa #EDSA37, nais kong ibahagi ang impromptu poem na ito na naisulat ko sa loob ng lima hanggang sampung minuto, dahil sa isang kaganapan noong ika-walo ng Nobyembre, pitong taon na ang nakakalipas.

Naalala ko na nalungkot talaga ako noong araw na ‘yon dahil sa mga pangyayari at sa pagbalewala sa kasaysayan ng bansa.

Ika-walo ng Nobyembre 2016

Bagama’t tapos na ang panahon ng libu-libong sulo,

Aandap-andap pa rin sa dilim ang liwanag nito

Yumao na nga ba ang tamang pagpapasya?

Ang hinagpis ng maraming nasadlak sa dusa, na

Niyurakan ang dangal, pinagkaitan ng buhay at kalayaan,

Isinantabi, kinalimutan, isinawalang-bahala ang karapatan?

Ngunit hindi nababaon sa limot ang kasaysayan;

Guni-guni ng ilan na ito’y kayang pagtakpan

Aahon sa alabok ang buong katotohanan

Babangon ang diwa at papalakas na tinig ng sambayanan–

Ang sambit “Wag ninyong kalimutan yaong mga naglaho sa malupit na kadiliman.”

Hangad ko na sana manaig ang kapayapaan. Sana ay mapabuti ang bansa at ang kabuhayan ng lahat ng mamamayang Pilipino. Sana ay manatili sa atin ang mga aral na natutunan sa kasaysayan para mapaunlad ang bansa at maging aktibong miyembro sa kooperasyon ng internasyunal na komunidad.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s