Wika

Maging responsable at mapagmatyag po sana tayo,

Gamitin ang wika nang maayos sa ating kapwa tao.

Maging bahagi sa paghilom ng mundo,

Sa pagtuwid ng hindi tama, sa pagtuklas at pagpabatid kung ano ang totoo.

Kumusta kayo?

Kumusta kayo mga kaibigan? Ayos lang ba kayo? Napakarami na ang nangyari simula noong tayo’y huling magkita. Ang dami ko sanang gustong ikwento sainyo ngunit pare-pareho tayong abala. Lalo pang mahirap kasi nasa iba’t ibang lugar na tayo at ang ilan sa atin, kagaya ko ay nasa ibang time zone. Kumusta naman ang buhay? Okay…