Tuwing Agosto, ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika sa Pilipinas.
(Every August, the Month of Language is celebrated in the Philippines.)
Nais kong makiisa sa pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng pagbahagi ng mga maiikling tula sa wikang Filipino, kasama ang mga larawan dito sa Paris na kinuha ngayong buwan.
(I would like to take part in this celebration by sharing short poems in the Filipino language, with photographs taken in Paris this month.)

Ay siyang nagbibigay sa loob ko ng galak;
Kasama na rin ang Toreng Eiffel at Ilog ng Seine,
Nagpapasaya sa pagtatagpo ng magkakaibigan.

mula sa Toreng Eiffel na para bang nagsasabi:
“Kaibigan, ‘wag kang mabahala, iwaksi sa isip ang balakid,
Punuin ang puso ng ganda at kapayapaan ng paligid.”

Nagkatipon-tipon ang mga mag-anak, magkaibigan at mga estranghero,
Upang manood sa kanta, sayaw at pagpapatawa ng isang tagapalabas,
Na syang sinuklian ng mga palakpak at tawanan ng tagapanood, bata man o matanda.

Tahimik na umupo sa silya, nagsulat at nagmuni-muni ng mga bagay na umiiral;
Ginunita si Dr. Rizal, ang ating pambansang bayani,
at ang pagpanaw ni Ninoy Aquino, sa bala ng mga taong maitim ang budhi.


Makukulay na mga bulaklak, berdeng mga puno at halaman
Sadyang napakaganda ng kalikasan,
Sa liwanag ng umaga man o sa pagdating ng takipsilim,
Rikit ng kapaligiran ay di nagmamaliw.






Halina’t mamasyal sa parkeng napapalamutian ng mga puno’t halaman
Sa palibot ay maglakad at ang makulay na langit ay pagmasdan.
Damhin ang preskong simoy ng hangin na nagpapasayaw sa mga dahon at hinahaplos ang sapa,
Kung saan lumalangoy ang mga bibe na buong tuwa.
Maligayang Buwan ng mga Wika sa inyong lahat! Pagyamanin at ipagmalaki ang kulturang Pilipino at wikang Filipino. Maging matatas sa wikang ito.
Kailangan ding isaalang-alang na maraming wika sa bansang Pilipinas. Kaya naman ay may mga sumusulong na gawing Buwan ng Mga Wika ang Agosto. Ano sa palagay ninyo?
I didn’t know there was a Place Rizal in Paris: I have been to Paris 5 times! Here in Rome we have a “Luneta” with a monument to Rizal in Piazza Manila
LikeLiked by 1 person
I see. You may visit the place when you come to Paris again. And thanks for the information. I was in Rome once but I wasn’t able to visit the “Luneta” there. 🙂
LikeLike
Next time na lang…
LikeLike
Ngayon lang napansin ko na ang mga picture sa pinakaibaba ay sa parke na tinatawag na Butte Chaumont, malapit sa parteng Belleville.
Dinala ako doon ng akin kaibigan na taga Paris, magandang lugar iyon.
Nagustuhan ko ang buong area ng Belleville.
LikeLike
Maganda talaga sa Butte Chaumont. Sinuggest ito ng isang kaibigan. 🙂 Isang beses pa lang ako nakapunta doon. Nagpicnic. Dinala ko rin ang gitara ko. Pupunta ulit ako sa susunod.
LikeLike